-- Advertisements --

Pinawalang sala ng Makati City Court ang tinagurian umanoy druglord na si Roland “Kerwin” Espinosa” at ang kasama nito.

Ito ay dahil sa bigo ang prosecution na magpresenta ng sapat na ebidensiya.

Base sa 21-pahinang desisyon na inilabas ng Makati City Regional Trial Court Branch 65 na pirmado ni Judge Veronica Tongo-Igot na pinanigan nila ang inihain ng kampo ni Espinosa at Marcelo Adorco na walang bisa umano ang mga ebidensiya.

Dahil dito ay inatasan sila ng korte na agaran silang palayain.

Nakasaad aniya sa ruling ng Makati Court na bigo ang prosecution na patunayan ang elemento na napapaloob sa Republic Act 165 o Comprehensive Dangeroous Drugs Act of 2002.

Napatunayan din ng korte na gawa-gawa rin ang sinumpaang salaysay ni Adorco.

Maging aniya ang extrajudicial confession ni Espinosa noong 2016 Senate Hearing ay hindi tinatanggap dahil sa bigong patunayan ng prosecution na ito ay boluntaryo.

Magugunitang noong Agosto 2021 ay kinasuhan ng Department of Justice sina Espinosa, Adorco at ibang mga indibidwal dahil sa iligal drug transaction sa Eastern Visayas.

Noong Disyembre 2021 ay nabasura ang isa sa mga kasong iligal na droga ni Espinosa.

Taong 2022 din ng binawi rin ni Espinosa ang paratang nito kay dating Senator Leila de Lima kung saan siya umano ay tinakot ng mga kapulisan para idiin ang opisyal na sangkot ito sa iligal drug transaksyon.