-- Advertisements --

Inabot ng isang oras at pitong minuto ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Ganap na alas-3:30PM nang dumating si Pangulong Marcos sa Kamara, sakay ng presidential chopper

Pagsapit ng alas 3:58 nang tawagin at ipakilala si PBBM sa session hall ng Kamara, hudyat ng pagsisimula ng kaniyang ulat.

Dalawang minuto makalipas nito ay nag-call-order to order na ang Kamara at Senado, hudyat ng pagsisimula ng joint session ng 20th Congress.

Sinundan ito ng pag-awit sa Pambansang Awit na pinangunahan ni The Voice Season 26 Grand Champion Sofronio Vasquez.

Tulad ng dati, limang curch leaders ang muling nanguna sa panalangin bago ang ulat ng pangulo.

Ganap na alas-4:05 nang opisyal na nagsimula ang pag-uulat ni Pang. Marcos.

Dito ay iniulat ng pangulo ang nagawa ng kaniyang administrasyon sa iba’t-ibang sector tulad ng sektor ng pagsasaka, science and technology, transporation, internet connectivity, sports, food security, defense, social services, power sector, atbpa.

Ganap na alas-5:17 nang tuluyang natapos ang pangulo sa kaniyang ulat. Sa pagtatapos ay binanggit ng pangulo ang mga katagang: ‘Tayo ang Bagong Pilipino’.