-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang pagtaas sa bilang ng mga acute non-communicable disease (NCD) complications sa ngayong Pasko.

Mula December 21 hanggang December 24, ayon sa ahensiya, mayroon nang dalawang nasawi dahil sa naturang komplikasyon: isa rito ay acute stroke habang ang pangalawa ay acute coronary syndrome.

Batay sa huling surveillance ng ahensiya, marami sa mga naospital dahil sa NCD ay may edad 60 hanggang 69/

Natukoy ng ahensiya na ang acute stoke sa naturang age gap ay mula 15 hanggang 45.

Mataas din ang porsyento ng acute coronary syndrome na nasa kaparehong age bracket, kung saan 14 mula sa 25 cases ay nasa ilalim ng nabanggit na demographic.

Paliwanag ng DOH, kadalasang tumataas ang NCD complications sa holiday season dahil sa biglaang pagbabago ng lifestyle kung saan marami ang sumasabak sa kaliwa’t-kanang handaan kaya nagkakaroon ng overeating.

Mataas din ang alcohol consumption sa naturang period habang umaangat din ang stress level, at mataas ang exposure sa asthma.

Dahil dito, pinayuhan ng DOH ang publiko na magsagawa ng regular medical consultation at huwag patagalin ang pagpapakonsulta kung nakaramdam ng mga sinyales tulad ng pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga.