-- Advertisements --

Hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na kung maaari ay gumamit na lamang ng digital o electric-money para sa mga regalo na ibibigay sa mga inaanak nila.

Ayon sa BSP na sa ganitong paraan ay mas magiging kombeniyente at ligtas pa ang pamamahagi ng nasabing regalo ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Pinayuhan din nila ang publiko na maging maingat sa mga online scammers dahil sa inaasahang pagdami ng mga manloloko ngayong panahon.

Binigyang linaw naman ng BSP na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng mga bagong pera dahil ito ang laging hinahana ng mga mamamayan na ipamahagi sa kanilang inaanak.