Malaki ang paniniwala ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nagsagawa muna ng surveillance si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral sa lugar bago ito tuluyang tumalon sa malalim na bangin ng Tuba, Benguet.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, na unang pinahinto kasi ni Cabral ang driver sa lugar bago nagtuloy sa lungsod ng Baguio at bumalik muli sa lugar.
Unang nasita sila ng pulis dahil sa ipinagbabawal ang pagparada sa lugar kaya sila ay umalis din.
Nakita kasi ni Cabral na magiging matindi ang pinsala kapag bumagsak sa lugar kung saan katumbas ito ng 10 palapag na gusali ang taas.
Magugunitang noong Setyembre ng magbitiw sa puwesto si Cabral matapos ang imbestigasyon ng kongreso dahil sa umanoy anomalya sa pondo ng mga flood control projects kasama rin sa akusasyon na tumanggap ng kickbacks ang mga mambabatas at ilang opisyal ng gobyerno.
















