-- Advertisements --

Hinikayat ng Malacañang ang mga national government agencies kasama ang government-owned or controlled corporation at state universities and colleges na gawing simple ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Hinikayat din nila ang mga Local Government Units na gawin ding payak at hindi magarbo ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Nakasaad ang nasabing kautusan sa inilabas na Memorandum Circular 110 na pirmado ni Executive Secretary Ralph Recto.

Ang nasabing kautusan na maging simple ang pagdiriwan ay dahil maraming mga Filipino ang hindi pa nakakabangon matapos ang pananalasa ng mga bagyo at lindol.