-- Advertisements --

Tiniyak ng mismong proponent ng Anti-Terrorism Act of 2020 na kasama silang magbabantay sa implimentasyon nito, kasabay ng pagsisimula ng pag-iral ngayong araw.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, responsibilidad ng lahat na matiyak na walang pag-abusong nangyayari sa pagpapatupad ng batas.

“It is the responsibility of all Filipinos to see to it the law is implemented properly – meaning, it is meant to go after terrorists and not anyone else. Thus, the efforts of some groups to similarly keep watch against abuses despite the safeguards already in place are very much welcome, so long as they avail of the proper venues and follow safety protocols,” wika ni Lacson.

Hindi na aniya isyu rito ang timing ng Anti-Terror Law sa panahon ng pandemic, dahil kahit anong panahon naman ay umaatake ang mga terorista.

Hangad lang ng senador na huwag maging receiving end ng terror attact ang mga masigasig na kumukontra sa kanilang isinulong na batas.

Payo na lang nito sa patuloy na kumukontra sa Republic Act No. 11479, idulog na lang ito sa proper forum.

Sa kasalukuyan, may siyam nang petisyon na nakahain sa Korte Suprema bilang pagtutol sa bagong batas.