-- Advertisements --

Striktong ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang Executive Order (EO) 28 patungkol sa “Regulation and Control of the Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices”.


Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, naglabas na siya ng Operational Guidelines alinsunod sa EO para masiguro ang ligtas at mapayapang pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Inatasan na aniya ang mga lokal na himpilan ng pulisya na makipag-coordinate sa kani-kanilang mga Local Government Units (LGU) para sa pagtukoy at pag-monitor ng mga “designated firecracker zones”.

Kasama aniya ng PNP na mag-iinspeksyon sa mga lugar na ito ang Bureau of Fire Protection at local DRRMC.

Binalaan naman ni Carlos ang mga gumagawa at nagbebenta ng paputok na managot sila kung sangkot sila sa distribution ng ilegal na paputok.

Samantala, ayon naman kay PNP Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, nagpahayag naman ng suporta si Gen. Carlos sa inisyatibo ng ilang LGU na maglagay ng community fireworks display sa bawat barangay upang maiwasan ang mga firecracker-related incidents.