-- Advertisements --

LAOAG CITY – Mahigit limang milyong pisos ang halaga ng mga nasira sa sektor ng agrikultura at fishery dito sa lalawigan dahil sa bagyo Ulysses.

Sinabi ni Provincial Agriculturist Mrs. Norma Lagmay na base sa mga report ng mga municipal agricultural offices ay sa mga bayan ng Pagudpud, Burgos at Bangui ang pangunahing nasira ang kanilang mga palay.

Inihayag pa nito na aabot sa tatlong milyong piso ang halaga ng mga nasira sa mga palay habang mahigit isang milyong piso sa fishery.

Hinggil dito ay inihayag ni Lagmay na nagbigay ng ahensya at Department of Agriculture ng mga butil ng mais at gulay sa mga apektadong magsasaka.

Dagdag nito na kabilang pa sa mga naibigay ang binhi na palay sa mga magsasaka para magamit nila sa second cropping.