LAOAG CITY – Hindi lamang mga Israeli kundi pati na rin ang mga Pilipino sa Israel ang natutuwa matapos ang pagpapalaya sa mga bihag ng Hamas.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Elvie Aviador sa Israel, halo-halong emosyon ang naramdaman ng mga tao kasabay ng kanilang selebrasyon dahil makalipas ang dalawang taon ay nakauwi na ang mga hostages.
Isa sa mga naobserbahan nila ang malaking ipinayat ng mga napakawalang mga bihag.
Kaugnay nito, lubos aniya ang pasasalamat ng mga mamamayan sa mga naging daan upang maibalik sa kani-kanilang pamilya ang mga indibidual na kinuha ng Hamas, dalawang taon na a nakakalipas.
Ipinaliwanag niya na naging prayoridad ng Prime Minister ng Israel ang sitwasyon ng mga bihag.
Samantala, umaasa si Aviador na magpapatuloy ang kapayapaan at tuluyan nang matatapos ang digmaan dahil marami ang naaapektuhan.