-- Advertisements --

LAOAG CITY – Umaasa si Ms. Helen Rose Domingo, head ng Provincial Sports Development Office sa Ilocos Norte na mas maraming medalya, lalo na ang ginto, ang makukuha ng mga atleta sa lalawigan na lalahok sa Batang Pinoy 2025 na gaganapin sa General Santos City.

Magpapadala ang lalawigan ng 49 na atleta na sasabak sa Batang Pinoy.

Ayon kay Domingo, nagtipon-tipon ang mga atleta mula sa tatlong schools division sa lalawigan, – ang Schools Division ng Ilocos Norte, Laoag at Batac Batac.

Kabilang sa lalahukan ng mga atleta ng Ilocos Norte ay martial arts, arnis, gymnastics, swimming, table tennis at athletics.

Sasamahan ang mga atleta ng mga medics mula sa Resiliency Office, mga opisyal ng DepEd, sports development officers, at mga coach.

Samantala, sinabi ni Domingo na inaprubahan ng pamahalaang panlalawigan ang pondong P3 milyon para sa Batang Pinoy.

Dagdag pa rito, nagbigay rin si Gov. Cecilia Araneta-Marcos para sa travel allowance ng provincial delegate.

Maalala na nakapag-uwi ng limang gintong medalya ang mga atleta ng Ilocos Norte mula sa gymnastics event noong nakaraang taon.