-- Advertisements --

Aabot sa mahigit P28 milyong halaga ng cocaine ang nakumpiska sa Turkish national ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nadiskubre ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) sa NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang droga na nakasilid sa bagahe ng suspek nitong Martes.

Dumating sa bansa ang suspek mula Dubai lulan ng Emirates Airlines kung saan ang port of origin nito ay sa Brazil.

Tumitimbang ang droga ng 3.945 kilos ng cocaine na nakatago pa sa sabon habang ang 1,500 milliliters ng liquid cocaine ay inihalos sa lotions na nakalagay sa bagahe ng suspek nagkakahalaga ng mahigit P28,858,500.

Inihahanda na ng mga otoridad ang karampatang kasong isasampa laban sa suspek.