-- Advertisements --
Ipinagtanggol ng Department of Agriculture (DA) ang Rice Tariffcation Law.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na kahit maraming mga nag-lobby para sa pag-amyenda nito ay hindi ito maituturing na total failure.
Wala itong sinisi dahil ito ang tamang gawin noong panahong ito ay ipinatupad noong Marso 2019.
Subalit mula noon ay nagkaroon na ng mga pagbabago ang rice industry sa bansa kaya mahalaga ang pagkakaroon ng pag-amyenda.
Dagdag pa nito na ang biglaang pagsipa ng presyo sa world market ay nakaapekto sa mga presyo ng lokal na palay.
Para sa taong ito ay umabot sa 4.5 milyon metric tons ang imports kung hindi dahil sa import bans na magtatapos ang implementasyon ng hanggang katapusanng 2026.
















