Umabot na sa Php 149,284,000 ang halaga ng educational assistance na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ikalawang araw ng kanilang pamamahagi nito sa mga estudyanteng lubhang nangangailangan.
Sinabi ito mismo ni DSWD Spokesperson, Asec. Romel Lopez sa Bombo Radyo Philippines kasabay ng kaniyang ulat na 58,652 na ng kanilang target na 90,000 na mga mag-aaral ang mapaabutan ng tulong-pinansyal para sa kanilang mga pag-aaral.
Aniya, sa pinagsanib-pwersang tulong ng DSWD, DILG , at PNP ay naging mapayapa at maayos naman daw ang kanilang naging pamimigay ng nasabing ayuda sa 200 payout centers na kanilang itinalaga sa buong Pilipinas.
Ipinagpatuloy din nila ang kanilang operasyon hanggang sa maubos na ang mga benepisyaryong ng nasabing programa gaano man kahaba ang pila ng mga ito, alisunod naman sa ipinag-utos ni Secretary Erwin Tulfo.