-- Advertisements --

Hindi na nagbigay pa ng kaniyang komento ang abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Nicolas Kaufman kung bakit pinagbawalang makadalaw sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) ang common-law wife ng dating pangulo na si Honeylet Avancena.

Paliwanag niya na ang visiting rights ay hindi pinagdedesisyunan ng mga abogado at sa halip ay ang mga otoridad ng ICC.

Itinanggi ni Kaufman na mayroon itong tinalakay ukol sa kaso ng dating pangulo.

Magugunitang ibinunyag ni Avancena, na pinagbawalan na siyang bisitahin ang dating asawa matapos umano na nagkomento ito sa kaso ng dating pangulo sa telepono noong nakausap niya si Duterte sa telepono noong Hulyo 19.

Tiniyak naman ni Kaufman na binabantayan ng mga otoridad sa ICC ang lagay ng kalusugan ng dating pangulo.