Mayroong 9,356 na mga kapulisan ang ipapakalat sa mga quarantine control checkpoints sa buong National Capital Region, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna at Batangas.
Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Cesar Binag, na ang mga kapulisan na itatalaga sa 1,106 na checkpoints ay iisa-isahing papahintuin ang mga sasakyan para sa inspection.
Magpapatupad aniya sila ng “maximum tolerance” at hanggang maaari ay iiwasan nila ang mang-aresto.
Ilan sa mga gagawin ng mga kapulisan ay papalalahanin ang mga lalabag, iisyuhan ng tickets, dadalhin sa gym, bibigyan ng lecture sa pagsunod sa protocols.
Papayagan naman na makalusot sa checkpoints ang mga authorized persons outside of residence o mga essential workers.
Pina-igting din ng mga kapulisan ang kanilang presensiya sa mga mataogn lugar gaya ng palengke at mga supermarkets.