-- Advertisements --
OFW NAIA DFA seamen crew repatriates COVID

Mahigit 600 pang Filipino seafarers ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa iba’t ibang panig ng mundo na pawang naapektuhan ng COVID pandemic.

Ang unang batch ng mga Pinoy crew ay dumating mula sa Norway dakong alas-4:00 ng hapon.

Habang ang second batch naman na binubuo ng 329 seafarers na nanggaling sa crusie ship na Liberty of the Seas at dumaan ng Amerika ay lumapag naman ang eroplano pagsapit ng alas-5:00 ng hapon.

Ang mga bagong dating na OFW ay sinalubong ng mga opisyal ng DFA, mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, local manny agencies na Magsaysay Maritime Corporation, Wilhelmsen-Smith Bell Manning, Inc., Multinational Maritime Inc. at RCCL Crew Management Inc.

Tumulong naman sa repatriation ng dalawang grupo ng mga seafarers ang Viking Cruises at ang Philippine Embassy sa Oslo, Norway at ang Royal Carribean Cruises at Philippine Embassy sa Washington, DC.

Ang lahat ng mga overseas Filipino workers ay dumaan muna sa medical protocols at sasailalim sa 14-day quarantine batay na rin sa proseso ng Department of Health-Bureau of Quarantine.

Una rito, nasa 150 Filipino seafarers din mula sa Norway ang dumating sa NAIA nitong nakalipas na Linggo.