Mahaharap sa mga kasong kriminal ang mahigit 40 katao na pasimuno umano ng protesta kontra korapsiyon noong Setyembre 21 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Major General Robert Alexander Morico III, kabilang sa respondents ang mga pasimuno ng riots na inilunsad ng iba’t ibang grupo na Trillion Peso March.
Tikom naman ang bibig ng CIDG official nang matanong sa pagkakakilanlan ng mga kakasuhang indibidwal.
Target ng CIDG na maghain ng mga kaso posible sa susunod na linggo bagamat hindi tinukoy kung anong partikular na kaso ang isasampa.
Bagamat, iginiiit ni Maj. Gen Morico na kanilang iniimbestigahan lalo na ang mga sangkot hindi lamang ang mga maliliit na indibidwal kundi maging ang mga malalaking personalidad.
Matatandaan, sa kasagsagan ng malawakang kilos protesta noong Setyembre 21, pinagsisira ng ilang demonstrador ang ilang ari-arian ng gobyerno, kung kayat ayon sa CIDG chief dapat na mapanagot ang mga utak sa likod ng karahasan.
 
		 
			 
        















