Nasa mahigit 4,000 Filipino nurses na nawalan ng kanilang trabaho dahil sa COVID-19 pandemic ang makakabalik na sa kanilang mga trabaho sa ibang bansa.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na ang 4,610 Filipino nurses ay babalik na sa kanilang mga dating trabaho.

Paglilinaw ng kalihim na hindi sila ang mga na-displace at sa halip ay mga end of contract ang mga ito.

Nagiging in-demand kasi ang mga Filipino nurses sa ibang bansa.

Nauna ng sinabi nito na ang tinanggal na ng United Kingdom ang kanilang employment cap ng 5,000 para sa mga Filipino nurses dahil sa oversupply.

HIndi naman nito itinanggi na dahil sa taas ng demand ng nurses sa ibang bansa ay baka kapusin ng nurses sa bansa.

Pinag-aaralan din nito ang pag-tanggal ng employment cap sa bansang Germany.