Inumpisahan na ang second phase ng Marksmanship Enhacement Training sa mga tauhan ng Philippine National Police Integrity Monitoringand Enforcement Group (PNP-IMEG) nitong Hunyo 18.
Ayon kay PNP IMEG Director PBGen. Bonard Briton ang live fire exercises ay ang pangalawang hakbang ng marksmanship enhacement kung saan dapat na mai-apply na ng mga pulis ang kanilang natutunan noong sumabak sila sa unang phase ng naturang inisyatibo na dry fire training.
Sa pamamagitan nito ay inaasahan na mas mahahasa pa ang mga pulis sa tama at ligtas na shooting techniques, paghahawak ng armas, at tamang pagasinta.
Layon din ng naturang hakbang na matiyak na ang mga pulis na reresponde sa mga emerhensiya ay bihasa sa paggamit ng baril at handang rumesponde kahit ano man ang sitwasyon.
Samantala, una nang matatandaan na nagbigay na ng babala si PNP Chief PGen. Nicolas Torre III sa mga pulis na hindi makakapasa sa marksmaship proficiency standards ay babawian ng service firearm at papalitan ng bolo.