-- Advertisements --

Namonitor ng Philippine National Police (PNP) ang mataas na bilang ng fake news at mga maling balita sa isinagawang cyber patrolling ng Anti-Cybercrime Group sa mga social media platforms.

Sa isang panayam, kinumpirma ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na kasalukuyan na nilang ipinapabura sa META ang natukoy ng kanilang tanggapan na higit 1,372 na mga fake news simula ito Enero ng taong kasalukuyan hanggang nitong Agosto 13.

Matapos nito ay ipinakita naman ng hepe ang mga halimbawa ng mga fake news na natukoy ng kanilang hanay kung saan ilan dito ay napagalamang hindi naman nangyari sa Pilipinas ngunit sa ibang mga bansa gaya ng Indonesia at Vietnam.

Kasunod nito ay tiniyak naman ng Pambansang Pulisya na kasalukuyan nang pinapasampahan na ng mga kaukulang kaso ang mga nasa likod ng mga social media accounts na ito na tinawag naman ng hepe bilang mga ‘kritiko ng pamahalaan’ at mga umano’y ‘DDS vloggers’.

Samantala, binigyang diin naman ni Torre na hindi titigil ang kanilang hanay na tutukan at bantayan ang mga ganitong uri ng panlilinlang sa publiko.