-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Department of Transportation (DOTr) na hindi bababa sa 4.3 milyon na pasahero ang nakinabang sa libreng sakay sa tatlong rail lines sa Metro Manila.
Nitong Abril 30 hanggang Mayo 3 ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang libreng sakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT3), Light Rail Transit 1 and 2 (LRT1 and 2) bilang regalo sa mga manggagawa sa pagdiriwang ng Labor Day.
Ayon sa DOTr na mayroong mahigit 1.6 milyon na pasahero ang gumamit ng MRT-3 sa apat na araw na libreng sakay.
Habang ang LRT-1 ay nag-aaverage ng 460,000 pasahero at ang LRT-2 ay nagtala ng mahigit 787,284 na pasahero.