Nasa mahigit 37,000 na mga paaralan sa buong bansa ang gagamitin bilang voting center para sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, nasa 106,439 na mga precincts sa 37,219 na mga paaralan ang nakatakdang gamitin bilang polling centers sa mismong araw ng national at local elections.
Mayroon din 756,083 na mga indibidwal ang magsisilbi para sa halalan mula sa iba’t-ibang mga institusyon ngunit karamihan sa mga ito ay mga kawani ng DepEd na may kabuuang bilang na 647,812.
Nasa 319,000 sa mga ito ay uupo bilang miyembro ng electoral board habang nasa 200,000 naman na mga pesonnel at supervisory officials ng DepEd ang maglilingkod din sa eleksyo.
Ani Briones, ,maituturing nang tradisyon ang pamahalaan ang tiwalang ibinibigay nito sa kagawaran upang tiyakin na magiging malinis, tama, at tapat ang pagsisilbi at pagbibilang ng mga boto tuwing panahon ng halalan.
Samantala, inihayag naman ng DepEd na hindi na kinakailangan pang pisikal na mag-report sa mga paaralan ang mga guro at nonteaching personnel na hindi magsisilbing poll worker sa mismong araw ng eleksyon
Hiniling din ng kalihim sa Commission on Elections (Comelec) at Department of Budget and Management (DBM) na agad na ibigay sa mga magsisilbing guro ang kanilang mga honoraria.