-- Advertisements --

Ramdam ang bayanihan sa gitna ng mga kalamidad sa bansa dulot ng walang patid na mga pag-ulan na nagdulot na mga matitinding pagbaha dala ng habagat sa nakalipas na magdamag.

Kung saan nag-alok ang ilang malalaking mall operators sa bansa ng shelter, libreng parking at iba pang mga serbisyo para sa mga residenteng apektado ng kalamidad.

Inialok din ng mga ito sa mga customer at residenteng malapit sa mga mall na apektado ng matinding mga pag-ulan na maaari silang makisilong sa mga mall at may available din na Free WiFi, charging stations, at help desk para tulungan sila.

Ang mga malls na ito na nag-alok ng libreng overnight parking at shelters ay sa Metro Manila, Central malls at Northern Luzon malls.