-- Advertisements --
Umangat ang puwesto ng Pilipinas kung ang pag-uusapan ang pagkilala sa pasaporte sa buong mundo.
Base sa Henley Global Passport Index, nasa pang-72 na ang puwesto ng bansa mula sa dating 75 noong nakaraang taon.
Ang nasabing ranking ay base sa kabuuang bilang na mga lugar na visa-free na binibisita ng isang passport holder.
Bawat visa-free destination ay katumbas ng isang puntos.
Ginagamit nila ang datos mula sa International Air Transport Association (IATA).
Nangunguna pa rin ang Singapore na may ‘most powerful passport’ sa buong mundo kung saan ang kanilang mamamayan ay maaaring makabisita sa 193 na bansa na visa-free.