-- Advertisements --

Mahigit 250 katao ang inaresto dahil sa pinaigting kampanya ni US President Donald Trump sa mga undocumented immigrant sa Charlotte, North Carolina.

Ang Charlotte ang siyang pinakahuling lungsod kung saan nagsagawa ng operasyon ang Department of Homeland Security (DHS) kasunod ng Chicago at Los Angeles.

Tinawag na “Operation Charlotte’s Web” kung saan kinondina ito ng mga residente doon.

Depensa naman ng DHS na karamihan sa mga naaresto nila ay mga miyembro ng dangerous criminal illegal aliens.