-- Advertisements --
image 73

Iniulat ng Department of Health na pumalo na sa mahigit 200 indibidwal ang namatay mula sa sakit na leptospirosis.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH, mula noong Jan. 1 hanggang July 22, 2023 ay umabot na 233 ang bilang ng mga nasasawi nang dahil sa nasabing sakit na mas mataas kumpara sa naitalang 201 death toll noong taong 2022.

Sa nasabing panahon ay iniulat din ng kagawaran na nasa 52% na rin ang nadagdag na mga kaso ng naturang sakit mula sa 1,423 na mga kasong naitala sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

Kaugnay nito ay tumaas din sa 1.97% kada 100,000 populasyon ang naitala ngayon taon mula sa dating 1.29% na bilang noong nakarang taon.

Samantala, mula sa 2,168 na mga kaso ng leptospirosis sa bansa ay ang Central Luzon ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng mga kaso na pumalo sa 328; Cagayan Valley 283; National Capital Region 248; Davao Region 205; Central Visayas 157; Bicol Region 123; Calabarzon 120; habang tig-115 sa Zamboanga Peninsula at Caraga region; Central Luzon 89; North Mindanao 84; Mimaropa 77; Cordillera Administrative Region 74; Eastern Visayas 60; 32 sa Soccsksargen, 32; at four mula Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.