Aabot sa 120 katao na karamihan sa kanila ay kapulisan ang sugatan matapos ang naganap na sagupaan ng mga otoridad at protesters sa Mexico.
Ilang libong katao ang nagmartsa sa Mexico City at ilang lugar sa nasabing bansa para kondinahin ang mga nagaganap na krimen at kontra sa pamumuno ni President Claudia Sheinbaum.
Depensa naman ni Sheinbaum, na ang mga nagsagawa ng kilos protesta ay pinondohan ng mga right-wing politicians na kontra sa kaniyang pamumuno.
Ang kilos protesta ay inorganisa ng Gen Z youth groups na sinuportahan ng ilang mamamayan na kontra sa high-profile killings kasama na ang assasination.
Tinangka ng grupo na lusubin ang National Palace kung saan nakatira si Sheinbaum subalit ito ay napigilan ng mga otoridad kaya doon sumiklab ang gulo.
Nanawagan ang pangulo ng Mexico ng mapayapang pag-uusap at tiniyak niya na hindi nila papayagan na magkaroon ng kaguluhan.
















