confiscated guns
confiscated guns

Mahigit 1,000 mga baril ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang bahay sa Los Angeles.

Matapos na makakuha ng impormasyon ang talamak na bentahan ng baril sa Holmby Hills Los Angeles ay agad na nagsagawa ang iba’t-ibang ahensya sa US ng operasyon.

Umabot naman sa 15 oras bago matapos ang operasyon at mailabas ang iba’t-ibang uri ng baril.

Naaresto ang may-ari ng bahay na si Girard Saenz dahil sa iligal na pagkakaroon ng ipinagbabawal na uri ng baril.

Pansamantalang nagpiyansa ang suspek matapos magbayad ng $50,000 habang inihahanda pa ng mga otoridad ang ibang kasong isasampa laban dito.