-- Advertisements --

Labis ang kalungkutan ngayon ng singer na si Ariana Grande dahil sa pagpanaw ng kanilang lola.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang larawan ng 99-anyos na lola na si Marjorie Grande.

Pinasalamatan nito ang lola kung saan tawag sa kaniya ng fans ng singer ay Nonna dahil sa palaging pagsuporta sa kaniyang career.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang singer sa pagpanaw ng lola.

Magugunitang makailang beses na nakita ang lola na nito nanood ng concert ng apo.