-- Advertisements --
Naging emosyonal ang singer na si Ariana Grande sa pagtatapos ng kaniyang Eternal Sunshine tour.
Ito na rin ang simula ng kaniyang pamamahinga at hindi paglabas sa publiko pansamantala.
Lumuha ang singer sa pagkanta niya ng “One Last Time” ang kanta na may mahalagang katuturan dahil sa ginamit ito bilang anthem sa mga survivor ng 20217 Manchester Terror attack.
Noong nakaraang buwan ay inanunsiyo ng singer ang pansamantalang pagpapakita sa publiko para tutukan ang kaniyang kalusugan.
Dahil dito ay hindi na itinuloy ng singer ang ilang mga show niya sa mga susunod na buwan.














