-- Advertisements --

Tuluyan ng pina-deport at pinagbawalan sa Singapore ang isang lalakeng Australian na hinawakan si Ariana Grande.

Unang hinatulan na makulong ng siyam na araw ang 26-anyos na si Johnson Wen dahil sa public nuisance.

Ayon sa Immigration and Checkpoints Authority (ICA) na pagbabawalan siyang makapasok sa bansang Singapore.

Magugunitang biglang lumapit at hinawakan ang ang singer nitong Nobyembre 13 habang nasa primier ng pelikula nitong “Wicked” For Good” at siya ay itinaboy ng ilang artista.

Mayroon ng history si Yen na iniistorbo ang ilang mga singers at artista kung saan ginawa niyang umakyat sa stage sa concert ni Katy Perry noong Hunyo.