-- Advertisements --

Sinampahan ng kaso ang lalaki na biglang sinungabansa aktress na si Ariana Grande.

Naganap ang insidente sa premiere ng pelikula ni Grande na “Wicked: For Good” sa bansang Singapore.

Makikita sa video ang paglapit ng Australian na si Johnson Wen at hinawakan pa ang aktres.

Hinila naman ng kapwa actress na si Cynthia Erivo si Grande palayo sa lalaki.

Bagamat pinalaya ang 26-anyos na lalaki ay kakasuhan pa rin ito ng korte sa Singapore dahil sa public nuisance.

Sakaling mapatunayang guilty ay pagmumultahin ito ng hanggang $2000.

Makikita sa social media ng suspek na may ilang celebrity na rin itong ginambala.

Kasama na dito ang pagsampa niya sa stage habang kumakanta si Katy Perry sa Sydney concert nito noong Hunyo at ganun din ang ginawa niya sa The Chainsmokers noong Disyembre.