Bumuwelta ang White House laban sa social media post ng singer na si Ariana Grande.
Ni-repost kasi ng singer ang isang IG post na bumabatikos sa administrasyon ni US President Donald Trump.
Nakasaad sa nasabing post kung saan tinatanong kung bumuti ba ang buhay ng mga Americans noong umupo si Trump.
Nakasaad din dito kung naging sapat ba ang pagdurusa ng mga immigrants, transgender at pag-atake sa free speech.
Sa naging pahayag ni Kush Desai, ang tagapagsalita ng White House, na sinabi niyang tinapos ni Trump ang inflation crisis na sinimulan ni dating US President Joe Biden.
Ipinagmalaki pa rin nito ang ilang trillion na investment sa US.
Magugunitang naging supporter ni dating US Vice President Kamala Harris si Grande noong 2024 elections ganun din noong 2020 elections ay sinuportahan niya si Bernie Sanders.