-- Advertisements --
Hiniling ni US pop star Ariana Grande sa White House na huwag gamitin ang kaniyang kanta.
Kasunod ito sa paggamit ng White House sa kanta nito sa promosyon ng kanilang immigration policies.
Ang kantang “Bye” ni Ariana ay sumikat noong 2024 ay ginamit na soundtrack ni Trump.
Nag-komento pa si Grande sa social media post ng White House kung saan hindi dapat gamitin ito sa ganitong uri ng barbaric, hindi makatao at madugong insidente.
Giit naman ni White House spokesperson Abigail Jackson na ang tunay na barbaric, hindi makatao, at marahas ay ang mga iligal aliens na gumagawa ng krimen kung saan nagkakaroon ng pagkasugat at pagpatay sa mga inosenteng Americans.
















