-- Advertisements --
image 15

Aabot na sa mahigit 1.6 million na mga indibidwal o katumbas ng 424,988 na mga pamilya ang apektado ngayon ng pananalasa ng bagyong Falcon sa bansa.

Sa ulat na inilabas ng Departmen of Social Welfare and Development, ang mga ito ay naitala sa mga lalawigan ng Central Luzon o Region 3, Calabarzon o Region 4A, at Western Visayas o Region 6.

Bukod dito ay sumampa na rin sa 46,251 na mga indibidwal o 12,505 na pamilya ang kinailangang ilikas sa 500 nga evacuation centers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, habang kasalukuyan namang nanunuluyan muna sa kanilang mga kaanak ang nasa mahigit 64,000 na mga pamilyang apektado rin ng bagyong Falcon.

Samantala, aab ot naman sa 24 kabahayan ang labis na napinsala ng nasabing bagyo habang 300 naman ang naitalang partially damaged.

Sa ngayon ay umabot na rin sa mahigit Php41.7-million na halaga ng tulong ang naipaabot na ng DSWD sa mga apektadong lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa kasabay ng pagtiyak na ipagpapatuloy ng kagawaran ang paghahatid ng tulong para sa lahat ng mga apektado ng pananalasa ng bagyong Falcon at hanging Habagat.