-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na sinimulan na ang Solar Power Project sa Tantangan, Minadanao na may kapasidad na 99 megawatt-peak (MWp).

Ang hakbang ay tungo sa isinususlong ng ahensya sa mas malinis at sustainable na enerhiya sa rehiyon.

Pinangunahan ng nasabing proytekto ng Apolaki Seven, Inc. at ib vogt GmbH, kung saan inaasahang makakalikha ang proyekto ng mahigit 150,000 MWh ng kuryente bawat taon at makababawas ng hanggang 66,000 tonelada ng carbon emissions taun-taon.

Tinatayang sapat para mapailawan ang higit 62,000 na kabahayan.

Ayon kay DOE Undersecretary Mylene Capongcol, ang proyekto ay bahagi ng layunin ng pamahalaan na makamit ang 35% renewable energy share sa 2030 at 50% pagsapit ng 2040.

Bukod sa malinis na kuryente, magdadala rin aniya ito ng trabaho, negosyo, at imprastruktura sa mga lokal na komunidad sa Mindanao.

Nabatid naman na ang Phase 1 ng proyekto na may 40 MWAC ay bahagi ng Green Energy Auction Program 2 at inaasahang matatapos sa Disyembre 31, 2026.