-- Advertisements --

Asahan ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na maaaring maglaro mula P0.50 hanggang P0.70 ang pagtaas sa kada litro ng diesel.

Mayroon namang hanggang P0.35 na pagtaas sa kada litro ng kerosene.

Habang ang gasoline ay bawas ng hanggang P0.35 sa kada litro.

Itinuturing dahilan ng DOE na ang ginagawang drone strike ng Ukraine sa Black Sea port ng Russia ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.