Reading Time: 1 minute

DAGUPAN CITY – Kulong ang isang magsasaka matapos makuhaan ng 12 sachet ng hinihinalang iligal na droga sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, kinilala ni P/Maj. Wilmer Pagaduan, deputy chief of police ng Bayambang Police Station, ang suspek ay kinilalang si Marlon Agabao, 40, residente ng Barangay Tampog, sa nasabing bayan.

Nabatid na si Agabao ay wala sa watchlist ng PNP bagkus ay isang newly identified drug personality sa lugar.

Ayon kay Pagaduan, nag-ugat sa report ng mga residente sa lugar hinggil sa paggamit umano nito ng iligal na droga at panggugulo ang kanilang pag-implementa ng search warrant laban sa suspek na nagpositibo at nagresulta sa pagkakakumpiska nila mula sa kustodiya nito ng 12 sachet ng shabu at tatlong aluminum foil.

Aminado naman si Pagaduan na matagal din nilang minanmamanan ang suspek bago ipatupad ang search warrant.