-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Isasailalim sa post mortem examination ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang pinatay ng New People’s Army sa Kitcharao Agusan del Norte.

Nakatanggap ng report ang Kitcharao municipal police station mula kay Terisita Olmo Biyog, residente sa Brgy. Camp Eduard, Alegria, Surigao del Norte, kaugnay sa nangyaring pamamaril nitong nakalipas na alas 6:00 ng gabi sa bukiring bahagi ng Kabanikagan, Brgy. Hinimbangan, Kitcharao, Agusan del Norte.

Narekober ang bangkay ng biktimang si Roy Olmo Biyog, 23 anyos may live-in partner, magsasaka at residente ng Camp Eduard, Alegria, Surigao del Norte.

Tadtad ng bala galing sa hiindi pa matukoy na baril ang katawan ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alamang namaril ng baboy damo ang biktima kasama sa kaniyang mga kaibigan nang naabutan sila ng limang mga armadong lalaki.

Itinali umano ang biktima na itinuturong ito ang asset ng militar.

Kinilala naman sa nakatakas na kasamahan ng biktima ang isa sa mga bumaril na si Roy Forteza Samonte alyas Dark na pinaniniwalaang myembro ng Guerilla Front Committee 16A ng NEMRC.

Kasalukuyan ngayong nakahimlay ang bangkay ng biktima sa kanilang pamamahay sa Brgy. Camp Eduard, Alegria, Surigao del Norte.