CENTRAL MINDANAO – Tinadtad ng bala ang isang magsasaka sa pamamaril sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Oning Ordeniza, 27, may asawa, tubong Zamboanga City at nakatira ngayon sa Barangay Balut, Sultan Mastura, Maguindanao.

Ayon kay Sultan Mastura chief of police, Major Narieto Mata, kalalabas lamang ng kanyang bahay ng biktima nang bigla ito pagbabarilin ng mga suspek gamit ang M16 armalite rifles.

Mabilis namang tumakas ang mga namaril nang matunugan nito na nagresponde ang mga myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at pulisya.

Alitan sa pamilya ang natatanaw ng mga otoridad sa pagpaslang sa biktima at inihanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek na positibong kinilala ng maybahay ng biktima.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here