Dagupan city- Nakakulambo pa nang matagpuan ang wala ng buhay na katawan ng isang magsasaka sa kanyang kubo sa barangay Acop, Rosales, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, unang inakalang mahimbing na natutulog ang biktimang si Evangelista Lemon, 64 anyos pero nang lapitan ay patay na pala ito.

Walang foulplay sa insidente base na rin sa imbestigasyon ng PNP at naniniwala dito ang mga kaanak ng biktima.

May sakit umanong hypertension ang biktima at posibleng cardiac arrest ang ikinamatay nito.