-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms) ang isang magsasaka sa Barangay Quezon matapos silbihan ng search warrant ng mga awtoridad sa Cordon, Isabela.

Ayon sa Cordon Police Station ang suspect ay si Warlito Pinapit, 60 anyos, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Sa pangunguna ni Police Major Alford Accad, Hepe ng Cordon Police Station ay isinilbi ang search warrant na ipinalabas ni Judge Anastacio Anghad ng RTC 2nd Judicial Region ng Santiago City sa di umanoy pagiingat nito ng hindi lisensiyadong baril.

Nakuha sa tahanan ng pinaghihinalaan ang isang Caliber 38 revolver, tatlong bala ng Cal. 38 revolver, isang Air rifle Caliber 22 at isang airgun .

Dinala ang mga nakumpiskang baril sa Cordon Police Station para sa kaukulang disposiyon.

Depensa ng suspect na hindi sa kanya ang nabanggit na mga baril at pag-aari umano ito ng kanyang yumao nang kapatid.