-- Advertisements --

Inasahan na ng National Maritime Council (NMC) ang hakbang ng China na magpadala ng karagdagang barko sa Ayungin Shoal, upang mapagtakpan ang kanilang pagka-pahiya noong August 11. 

Kung matatandaan, nagbanggaan ang dalawang sasakyang pandagat ng China, habang hinahabol at pilit na pinipigilan ang resupply mission ng Pilipinas sa Panatag Shoal. 

Ayon kay National Maritime Council Spokesperson Usec Alexander Lopez na mula noong naganap ang banggaan, hindi naglabas ng kahit anong larawan o video ng insidente ang China, gayung maging ang international media, pinagu-usapan ang pagka-pahiya ng China. 

Sinabi ni Lopez na sa kanilang pagtataya, ang pagdaragdag ng China ng kanilang maritime assets sa Ayungin Shoal at Bajo de Masinloc, ay paraan ng China upang palabasin sa kanilang mamamayan, na in control pa rin sila sa lugar. 

Sa kasalukuyan, nabasawan na rin ang Chinese vessels sa WPS, at maituturing na balik na sa normal ang bilang ng deployed vessels doon.