-- Advertisements --
Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba sa banta ng tsunami sa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng tumamang magnitude 7.5 na lindol sa Southern Drake Passage.
Ayon sa ahensiya, walang nakikitang mapaminsalang banta ng tsunami base sa available data.
Una rito, niyanig ang Drake Passage, ang katubigan sa pagitan ng katimugang bahagi ng South America at Antarctica, kaninang alas-10:00 ng umaga ngayon Biyernes, Agosto 22.
May lalim na 11 kilometro ang tumamang lindol.