PJ Simon wedding
Marc Pingris / IG photo

Ikinasal na si Magnolia Hotshot player PJ Simon sa kaniyang kasintahang si Jehza Mae Huelar.

Isinagawa ang pag-iisang dibdib nila sa Tagaytagy na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan ng dalawa.

Kaniya-kaniyang post naman sa kanilang social media ang mga bisitang kapwa basketbolista at ilang artista sa mga kuha nila sa kasal.

Noong nakaraang taon pa sana ang kasal ng dalawa subalit hindi ito itinuloy dahil sa pagpasok sa championship ng Magnolia at ang pagsali ni Jehza sa Ms. Supranational pageant kung saan pasok ito sa top 10.