Nalusutan ng Magnolia Hotshots ang matinding depensa ng NLEX 98-88.

Bumida sa panalo si James FArr na mayroong 24 points at 21 rebounds habang mayroong 21 points si Ian Sangalang.

Ito ang unang panalo ng Hotshots matapos ang tatlong laro mula ng magsimula ang PBA Commissioners Cup.

Hawak pa ng NLEX ang kalamangan hanggang mahabol ito ng Hotshots pagpasok ng third quarter.

Aminado si Magnolia coach Chito Victolero na nahirapan sila sa pagsisimula ng conference.