Naramdaman nitong Linggo pasado 9:45am ng umaga ang isang magnitude 5 na lindol sa hilagang bahagi ng Ilocos Norte.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig sa layong 63 kilometro Hilagang-kanluran ng Currimao at may lalim na 10 kilometro.
Intensity i naman ang naramdaman sa mga bayan ng San Nicolas, Laoag City maging sa Sinait ng Ilocos Sur.
Matapos nito, pinayuhan ng mga otoridad ang mga residente sa lugar na manatiling nakaalerto at maghanda ng mga precautionary kung sakaling makaramdam ng mga aftershocks sa rehiyon.
Samantala, nagsagawa naman ng pagiikot at monitoring ang Currimao Municipal Disaster Risk Rduction and Management Office particular na sa mga coastal areas para matiyak na nasa maayos na kalagayan ang mga residente.