CENTRAL MINDANAO – Patay ang magkapatid nang malunod habang naliligo sa ilog sa probinsya ng Cotabato.

Ang mga biktima ay isang kindergarten pupil at isang nasa elementarya na naligo sa ilog sa Sitio Kinudal, Brgy Kilada, Matalam, North Cotabato.

Nakaligtas naman ang apat na taong gulang na kapatid ng mga nasawi na agad naisugod sa pagamutan.

Hindi umano marunong lumangoy ang mga biktima kaya nalunod sa malalim na bahagi ng ilog.

Bago ito patay din ang magpinsan na sina Gerald Quidores at Loida Calibayan na kapwa mga residente ng Brgy Pentil, Aleosan, North Cotabato nang malunod sa ilog noong nakaraang mga araw.