LAOAG CITY – Dalawang magkapatid na miyembro ng New People’s Army nag sumuko sa Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO).
Ito ay kasabay ng paggunita ng ika-52 anibersaryo ng CPP-NPA.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag sa mga sumukong rebelde, ipinaalan ng mga ito na 15 at 20 anyos lamang sila noong pinasok nila nag rebeldeng grupo.
Inilahad ng isa sa mga sumuko na isang Ka-Monching nag nagrecruit kaniyang pumasok sa grupong YP.
Aniya, pumayag siya na sumanib sa nasabing grupo dahil na rin sa hirap ng pamumuhay.
Kaugnay nito, ipinaalam ng kapatid nito na isang rason upang pasukin niya nag mundo ng mga rebelde ay dahil sa hindi mgandang trato ng mga sundalo.
Una rito, ipinaalam ng mga sumukong rebelde na mahirap ang buhay sa kabundukan dahilan para magbalik loob sila sa gobierno.
Samantala, hinikayat ng mga sumukong rebelde nag dati nilang kasama na mas magandang sumuko narin sila sa gobierno para mamuhay ng normal.
Sinuguro naman ni Provincial Director Christopher Abrahano, na mabigbigyan ng tulong nag magkapatid na dating rebelde.